Miyerkules, Agosto 25, 2021

Bisitahin ang para sa maslalong pag iintindi https://www.facebook.com/100139329071760/posts/100732982345728/?sfnsn=mo




 

42+] Sadness Background on WallpaperSafariBUHAY

 

Ang buhay ay puno ng mga problema

Problema sa pamilya, sakit at pera

Maraming tao ay sinasabing Katulad ng gulong ang buhay,
Minsa'y sa itaas, minsa'y sa ibaba,

Nagiging masaya kung buhay ka

At Mawawala pag may sakuna

Pero ang buhay ba talaga ay parang gulong

Kung palagi ka sa ibabang naghahanap ng tulong

 

Sa pag lipas ng oras marami ka nang naranasan pero naiintindihan mo ba talaga mga kinagisnan

Sa pag lakad mo ng kalsada marami kang nasasalubong pero masasabi mo ba ay lahat tumutulong

Pag bukas mo ng telebisyon ano ang una mong nakikita mga taong nagpepekehan ang mukha

Mga mukhang mga magwagwapo at magaganda pero nagiging relihiyon nila ang pera

 

Ang lahat ng tao ay nararapat na mag mahal

pero ano ba talaga ang pagmamahal kung mayroon ka namang perang natatanggap sa iyong paghahalal

pera dito pera jaan

pera ang kinagisnan

 

Ang buhay ba sadyang ganito

Mga taong iniisip lang ang sariling pagkatao

Labis na dugo, pawis at problema ang nararanasan ng iba

Bakit walang tumutulung na kahit anu mang pamilya

 

Kungwala kang naintindihan sa aking kwento

Ganito talaga ang buhay walang tao ang nagiging kontento

 

link ng video

https://youtu.be/QeNw5SdAQJ8



Biyernes, Agosto 13, 2021

 







Para sa konseptong vlog pwedeng kopyahin ang link at panuorin ito


https://youtu.be/8LSfvzuUiuQ

or gamitin ang

https://www.youtube.com/watch?v=8LSfvzuUiuQ



















Martes, Hulyo 20, 2021

Part 2: Tula gamit ang Wikang Filipino

 



                Ang mga kulay, hindi sila titigil.

Maliwanag, magagandang kulay

Nagkikislap, lumalawak, butas

Pula, berde, asul

Isang walang katapusang

kasakit

Ng walang katuturan

ingay

 

Ang ingay, hindi ito titigil.

Marahas, mga grating

dumadaloy

umiingay, sumasakit sa tenga, butas sa puso

Sine, cosine, tangent

Tulad ng paglalaro ng isang pisara sa isang paikutan

Tulad ng paglalaro ng isang vinyl sa isang pizza crust

 

 

Isang walang katapusang

tula

Ng walang katuturan

 

 

    Ang tulang ito ay para sa ating wikang filipino patuloy na nawawala at patuloy na napapaisip ng mga tao. Nawawala ba ito o napapanatili . pero sa huli ito ay para sa ating sarili. Bungad ito ng hirap ng ating mga ninuno dapat talaga natin itong isapuso sa malapit na ang Buan ng wikang pagbabago tara nating ipag hangad panatilihin at pag usbungin ang pagsasalita ng wikang Filipino.

Part 1:Kahalagahan ng Wikang Filipino tungong Intelektwalisasyon at Pang komunikasyon


Wika sa aking tungo sa aking Disiplina, tungo sa Pang Komunikasyon sa Media at Pang Intelektwalisasyon






Tungo sa aking Disiplina

Sa aking disiplina mahalaga parin ang wikang filipino dahil ito ang pinakaunang lenguahe na napagaralan ko, ito ang dala dala ko na simbolo bilang isang Pilipino. Hindi ko man maisasalita kaagad sa mga foreigner pero maituturo ko kung paano magsalita ng wikang filipino o maipapaliwanag ko na ito ang lenguahe ng aking tahanan na bansa. Sa aking disiplina masasabi ko na marami ang mga taong hindi makakaintindi ng aking lenguahe dahil marami sa kanila ang taga ibang bansa pero hindi naman lahat na tao na aking makakasama ay taga ibang bansa mayroon parin akong makakasama na ka lahi pwede ko itong gamitin para maki halubilo at makipag intindi sa kanya. Pwede kong gamitin ito para maslalo kong maintindihan ang mga hindi ko pa nalaman sa barko o pwede ko siyang sabihan rin sa mga nalalaman ko sa barko.



    Sa panahon ngayon, ang mga kabataan ay “updated” palagi sa mga kulturang popular. Malakas ang impluwensiya ng kulturang popular sa mga tao ngayon lalo na sa mga kabataan. Nakakatulong ang “mass media sa pagpapaunlad ng ating wika sa pamamagitan ng kulturang popular at sa pakikisangkot nito sa globalisasyon. Mas higit na    rin ditto ang Facebook, Blog at Vlog. Ang pangunahing layunin ng mass media ay bigyan ng impormasyon ang mga tao sa anu mang nangyayari sa ating kapaligiran at pwede rin itong isang paraan sa pagpapayabong ng ating wika. Malaki ang impluwensiya ng Mass Media sa lipunan. Dahil na rin sa teknolohiya at mga makabagong technolohiya , mas napapadali na ang paggamit ng mass media. Kasama sa sangay ng mass media ang pahayagan, radyo, at telebisyon.  Ito ay karaniwang ginagamit sa libangan man o pang hanap o paggawa ng mga impormasyon.




Tungo sa Pang Intelektwalisasyon

Ang wikang Filipino ay ang simula at ang huli. Ito ang simula dahil dito nag simula na tayo na ay isang konektadong bansa. Ito ay parte ng pinaghirapan ng ating mga lolo at lola na ipag laban ang ating bansa. Hindi nila ito pinaglaban para lang ito ay mawala, ito ay pinaglaban dahil ito ang dapat maihuli sa kanilang pinaghirapan ang lenguahe nating pinagsasamahan. At ang wikang Filipino ay kultura at tradition. Ito ay isang kultura at tradition dahil ito ay pinapasa sa ating mga anak at kanilang anak. Kaparehas ng mga storyang mga pinasa, ito rin ang ginamit sa pagpasa. Ang ating wika ay nagiisa hindi lahat ng tawag sa ating wika ay nai papaliwanag ng ibang wika. 




Bisitahin ang para sa maslalong pag iintindi https://www.facebook.com/100139329071760/posts/100732982345728/?sfnsn=mo