Martes, Hulyo 20, 2021

Part 1:Kahalagahan ng Wikang Filipino tungong Intelektwalisasyon at Pang komunikasyon


Wika sa aking tungo sa aking Disiplina, tungo sa Pang Komunikasyon sa Media at Pang Intelektwalisasyon






Tungo sa aking Disiplina

Sa aking disiplina mahalaga parin ang wikang filipino dahil ito ang pinakaunang lenguahe na napagaralan ko, ito ang dala dala ko na simbolo bilang isang Pilipino. Hindi ko man maisasalita kaagad sa mga foreigner pero maituturo ko kung paano magsalita ng wikang filipino o maipapaliwanag ko na ito ang lenguahe ng aking tahanan na bansa. Sa aking disiplina masasabi ko na marami ang mga taong hindi makakaintindi ng aking lenguahe dahil marami sa kanila ang taga ibang bansa pero hindi naman lahat na tao na aking makakasama ay taga ibang bansa mayroon parin akong makakasama na ka lahi pwede ko itong gamitin para maki halubilo at makipag intindi sa kanya. Pwede kong gamitin ito para maslalo kong maintindihan ang mga hindi ko pa nalaman sa barko o pwede ko siyang sabihan rin sa mga nalalaman ko sa barko.



    Sa panahon ngayon, ang mga kabataan ay “updated” palagi sa mga kulturang popular. Malakas ang impluwensiya ng kulturang popular sa mga tao ngayon lalo na sa mga kabataan. Nakakatulong ang “mass media sa pagpapaunlad ng ating wika sa pamamagitan ng kulturang popular at sa pakikisangkot nito sa globalisasyon. Mas higit na    rin ditto ang Facebook, Blog at Vlog. Ang pangunahing layunin ng mass media ay bigyan ng impormasyon ang mga tao sa anu mang nangyayari sa ating kapaligiran at pwede rin itong isang paraan sa pagpapayabong ng ating wika. Malaki ang impluwensiya ng Mass Media sa lipunan. Dahil na rin sa teknolohiya at mga makabagong technolohiya , mas napapadali na ang paggamit ng mass media. Kasama sa sangay ng mass media ang pahayagan, radyo, at telebisyon.  Ito ay karaniwang ginagamit sa libangan man o pang hanap o paggawa ng mga impormasyon.




Tungo sa Pang Intelektwalisasyon

Ang wikang Filipino ay ang simula at ang huli. Ito ang simula dahil dito nag simula na tayo na ay isang konektadong bansa. Ito ay parte ng pinaghirapan ng ating mga lolo at lola na ipag laban ang ating bansa. Hindi nila ito pinaglaban para lang ito ay mawala, ito ay pinaglaban dahil ito ang dapat maihuli sa kanilang pinaghirapan ang lenguahe nating pinagsasamahan. At ang wikang Filipino ay kultura at tradition. Ito ay isang kultura at tradition dahil ito ay pinapasa sa ating mga anak at kanilang anak. Kaparehas ng mga storyang mga pinasa, ito rin ang ginamit sa pagpasa. Ang ating wika ay nagiisa hindi lahat ng tawag sa ating wika ay nai papaliwanag ng ibang wika. 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bisitahin ang para sa maslalong pag iintindi https://www.facebook.com/100139329071760/posts/100732982345728/?sfnsn=mo