Wika sa aking tungo sa aking Disiplina, tungo sa Pang Komunikasyon sa Media at Pang Intelektwalisasyon
Tungo sa aking Disiplina
Sa aking disiplina mahalaga parin ang wikang
filipino dahil ito ang pinakaunang lenguahe na napagaralan ko, ito ang dala
dala ko na simbolo bilang isang Pilipino. Hindi ko man maisasalita kaagad sa
mga foreigner pero maituturo ko kung paano magsalita ng wikang filipino o
maipapaliwanag ko na ito ang lenguahe ng aking tahanan na bansa. Sa aking
disiplina masasabi ko na marami ang mga taong hindi makakaintindi ng aking
lenguahe dahil marami sa kanila ang taga ibang bansa pero hindi naman lahat na
tao na aking makakasama ay taga ibang bansa mayroon parin akong makakasama na
ka lahi pwede ko itong gamitin para maki halubilo at makipag intindi sa kanya.
Pwede kong gamitin ito para maslalo kong maintindihan ang mga hindi ko pa
nalaman sa barko o pwede ko siyang sabihan rin sa mga nalalaman ko sa barko.
Sa panahon ngayon, ang
mga kabataan ay “updated” palagi sa mga kulturang popular. Malakas ang
impluwensiya ng kulturang popular sa mga tao ngayon lalo na sa mga kabataan.
Nakakatulong ang “mass media sa pagpapaunlad ng ating wika sa pamamagitan ng kulturang popular at sa
pakikisangkot nito sa globalisasyon. Mas higit na rin ditto ang Facebook, Blog at Vlog. Ang pangunahing layunin ng
mass media ay bigyan ng impormasyon ang mga tao sa anu mang nangyayari sa ating
kapaligiran at pwede rin itong isang paraan sa pagpapayabong ng ating wika.
Malaki ang impluwensiya ng Mass Media sa lipunan. Dahil na rin sa
teknolohiya at mga makabagong technolohiya , mas napapadali na ang paggamit ng mass
media. Kasama sa sangay ng mass media ang pahayagan, radyo, at
telebisyon. Ito ay karaniwang ginagamit
sa libangan man o pang hanap o paggawa ng mga impormasyon.
Tungo sa Pang Intelektwalisasyon
Ang wikang Filipino ay
ang simula at ang huli. Ito ang simula dahil dito nag simula na tayo na ay
isang konektadong bansa. Ito ay parte ng pinaghirapan ng ating mga lolo at lola
na ipag laban ang ating bansa. Hindi nila ito pinaglaban para lang ito ay mawala,
ito ay pinaglaban dahil ito ang dapat maihuli sa kanilang pinaghirapan ang
lenguahe nating pinagsasamahan. At ang wikang Filipino ay kultura at tradition. Ito ay isang
kultura at tradition dahil ito ay pinapasa sa ating mga anak at kanilang anak.
Kaparehas ng mga storyang mga pinasa, ito rin ang ginamit sa pagpasa. Ang ating
wika ay nagiisa hindi lahat ng tawag sa ating wika ay nai papaliwanag ng ibang
wika.